Patuloy na isinasagawa ang Program Response for Economic Support to Brgy Loan Assistance Venture (PGM PRESBY WITH LAV) ng pamahalaang panlalawigan na tumutulong sa kabuhayan ng mga mamamayan.
Ipinamahagi ng programang LAV Loan, ang LAV Cheques sa 70 borrowers noong Biyernes, sa Sibuyao, Torrijos kasama si Mayor Nancy Madrigal, at Former Mayor, Jing Madrigal. Kasabay nito, 80 benepisyaryo ang tumanggap ng baka, kalabaw, kabayo at kambing ng Livestock Dispersal Program na isinagawa sa Buenavista Bagsakan Center.
Bilang pasimula, namigay ng walumpung (80) native chicken sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers' Association (TODA) sa iba’t-ibang parte ng lalawigan.
Ang mga programa gaya ng livestock dispersal, pamimigay ng seedling, gillnets, bangka, at hook and line sa mga mangingisda, ay tumutulong sa mga kababayan upang magkaroon ng puhunan at gamit. Patuloy rin ang pamamahagi ng mga Emergency Response Vehicle na mula kay Speaker Lord Allan Velasco.
Inaasahang darating ang 100 milyong pondo para sa DOLE tupad kung kaya’t inaanyayahan ang lahat upang magpalista. Gayundin sa iba pang programa ng lalawigan gaya ng tulong sa coconut farmers, TESDA scholarship with allowance, at cataract extraction.
Naglalayon ang mga programang ito na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan, at matulungan sa kanilang kabuhayan. (DKD)
No comments: