SANTA CRUZ, Marinduque -- Nagtipon-tipon ang mga kawani ng Department of Education (DepEd)-Santa Cruz para sa pamamahagi ng 12 mga tangke ng tubig na nakalaan para sa mga paaralan sa tatlong distrito ng Santa Cruz.
Naging layunin ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan na magkaroon ng maayos at malinis na tubig ang mga kaguruan gayundin ang mga bata.
Samantala, pinangunahan ni Santa Cruz Mayor Antonio L. Uy, Jr ang pamamahagi ng donasyong tangke para sa mga benepisyaryo nito.
Nakasama sa nasabing gawain ang MDRRMO, Wilvir Imperio, District Supervisor Dr. Ma. Lourdes Ricohermoso, Warlito Constantino at mga punong guro ng bawat paaralan na makatatanggap ng nasabing mga tangke.
Kabilang sa makakatanggap ng mga tangke ng tubig ang mga paaralan ng Banogbog, Makapuyat, Masaguisi, Biga, Kamandugan, Lusok, Ipil, Kasily, Lipa, Matalaba, Maniwaya at Makulapnit.
"Asahan po ninyo ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan ng Santa Cruz sa pangunguna ng inyong lingkod upang mas mapaunlad pa ang ating mga paaralan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral, kasama po ang patuloy na panalangin na maging normal na ang lahat upang makabalik na ang ating mga mag-aaral sa eskwelahan," pahayag ng alkalde. (DERE/Marinduque Ngayon)
No comments: