BOAC, Marinduque — Isang dambuhalang Sunfish (Mola-mola) ang napadpad sa karagatang bahagi ng Barangay Bunganay sa Bayan ng Boac dakong alas sais kinse ng umaga, July 21, 2021 araw ng Miyerkules.
Tumawag sa Team Leader ng Marinduque Animal and Wildlife Rescue Emergency Response Team (MAWTERT) ang Kapitan sa nasabing barangay na si Marlon Moncada upang ipaalam ang pangyayari.
Agad nag-dispatch ng responder ang MAWRERT upang tugunan ang tawag at dinatnan sa stranding site ang isang buhay subalit nanghihinang Sunfish o "mola" sa lokal na katawagan.
Sinikap ng mga responders na ibalik sa malalim na bahagi ng karagatan ang nasabing isda subalit paulit ulit itong bumabalik sa pampang.
Ang dambuhalang isda ay may sukat na apat na talampakan ang lapad at anim na talampakan ang haba at tinatayang humigit kumulang sa dalwang-daang kilo ang bigat.
Binabantyan kung muling mapapadpad sa mababaw na bahagi ng dagat ang nasabing "buhay-ilang". (JV/DERE)
No comments: