BOAC, Marinduque -- Nagsagawa ng medical mission si Marinduque Vice Governor Romulo Bacorro, Jr. sa Bgy. Cawit sa bayan ng Boac, Pebrero 21, 2022. Libreng nakapagpacheck up sa ginawang health service ang mga residente sa naturang lugar na pinuntahan ng mga bata at matanda na nais magpasuri ng kanilang karamdaman.
Sa mensahe ni Vice Governor Bacorro, binigyang diin niya ang mahabang panahon ng seryosong isyu ng lalawigan na kakulangan ng access sa healthcare system o serbisyong pangkalusugan ng maraming residente sa probinsya at ito aniya ay ito ang nais resolbahin ng bise gobernador sa pamamagitan ng iba't-ibang proyekto.
Pahayag ng Bise-Gobernador, marami pa raw ang kailangang gawin upang mapabuti ang sistemang pangkalusugan ng lalawigan at siya ay abot-kamay ng mga mamamayan upang mapanatili ang malusog na mamamayan at lalawigan ng Marinduque.
Dagdag pa niya, kakaunti man daw ang kaniyang grupo ay sisikapin nila na maabutan ng tulong ang 218 na mga barangay sa lalawigan at sa mga susunod pang mga araw ay magpapatuloy ang mga libreng serbisyong medikal lalo na sa mga malalayong barangay ng probinsya. (DERE)
No comments: