SANTA CRUZ. Marinduque -- Umaga ng Lunes, Pebrero 21, 2022 nang isagawa ang Unity Walk sa bayan ng Santa Cruz na dinaluhan ng mga kumakandidato sa iba't-ibang posisyon sa lokal na pamahalaan. Pinangunahan ang aktibidades ng mga lider ng iba't-ibang relihiyon kasama ang mga taga-pamayapa ng bayan tulad ng PNP, BJMP at iba pa.
Ang tatlong kandidato sa pagka-alkalade sa naturang bayan ay sina Incumbent Mayor Antonio L. Uy, Jr., Vice Mayor Geraldine Morales, at Former Mayor Marisa Red-Martinez.
Ipinahayag ng hanay ng kapulisan na sila ay nasa ilalim ngayon ng COMELEC at ang lahat ng mga kandidato ay nararapat ring sumunod sa mga panuntunan at pati na rin ang paghint sa COMELEC Checkpoint, kaugnay nito ay ipinahayag din ng hanay na may mga kandidato pa rin na lumalagpas amang sa mga naturang checkpoint na hindi nakasuot ng helmet o kaya naman ay expired na ang driver's licence.
Samantala, umaasa ang lahat na ang #Eleksyon2022 ay magiging isang mapayapang halalan at susulong ng walang pandaraya.
No comments: