TORRIJOS, Marinduque -- Isang pampasaherong dyip ang nahulog sa mahigit 20 talampakan bangin sa bahagi ng Bgy. Cagpo matapos itong mawalan ng preno. Ayon sa Torrijos Municipal Police Station, ang pampasaherong sasakyan ay napag-alamang minamaneho ni Roderick PeƱarubia Retardo na residente ng Bgy. Lipa at sakay nito ang bagong kasal kasama ang mga dumalo sa okasyon sa Bgy. Lipa, Santa Cruz.
Bandang 2:20 ng hapon ng makatanggap ang Torrijos MPS ng report tungkol sa naturang aksidente at napag-alaman rin na ito ay patungo sana sa Bgy. Buangan, Torrijos para magsagawa ng "paurungan" o "sibig" para sa ikinasal.
2 patrol car ang agarang rumesponde sa pangyayari kasama ang MDRRMO at BFP-Torrijos.
Sa pahayag ni Plt. Lily G. Nicolas ng Torrijos-MPS sa panayam ng Marinduque News , 2 ang naiulat na dead-on-arrival na kinilalang si Engr. Allan Roldan, ang lalaking bagong kasal, 26 taong gulang at residente ng Bgy. Buangan, Torrijos at ang isa pang nasawi ay residente naman ng Bgy. Bancuangan, batang babae habang 29 ang sugatan sa trahedya na lahat ay pawang taga-Santa Cruz.
No comments: