Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » Baka, kalabaw at kambing, ipinapamahagi sa 282 magsasaka sa Marinduque

 

Photo Courtesy: Provincial Veterinarian Office
Photo: Provincial Veterinarian Office

BOAC, Marinduque -- Ipinapamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Marinduque ang 78 baka, 200 kambing at 4 na kalabaw para sa 282 magsasaka sa buong probinsya na naapektohan ng mga nagdaang bagyo tulad ng bagyong Quinta noong 2020.

Ito ang naging tugon ng national government sa pakikipagugnayan ni Marinduque Governor Presbitero Velasco, Jr. na magkaroon ng tulong para sa mga magsasakang apektado ng kalamidad upang makapagsimulang muli.

Sa pangunguna ni Provincial Administrator Mike Velasco, katuwang ang Provincial Veterinarian Office sa pangunguna naman ni Dr. JM Victoria, ipinamahagi kahapon ang unang batch ng mga naturang hayop para sa bayan ng Boac at Mogpog. Isinagawa naman ngayong araw ang distribusyon ng ikalawang batch sa bayan ng Gasan at Buenavista habang ang ikatlong batch na para sa bayan ng Santa Cruz at Torrijos ay ipapamahagi sa isang linggo.

Ayon kay Dr. Victoria, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ni Governor Presbitero Velasco, Jr. sa national government para makakuha pa ng pondo para sa mas marami pang programa at marami pa rin ang inaasahang benepisyo para sa mga Marinduqueñong magsasaka. via Dave Escala, MN

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply