Photo: Dominic Leonida |
SANTA CRUZ, Marinduque -- Nakuhanan ni Dominic Leonida ang tinaguriang "Strawberry Moon" kaninang 7:15 p.m. sa kalangitan ng San Antonio, Santa Cruz gamit ang isang superzoom camera, Hunyo 14.
Mas malaki at mas maliwanag ito kumpara sa karaniwang full moon dahil sa "perigee position" o nasa pinakamalapit na posisyon ang ating buwan sa ating mundo. Ayon sa NASA, tinawag itong "Strawberry Moon" ng Algonquin tribes mula sa northeastern United States dahil sa maiksing panahon ng anihan ng strawberries sa nasabing rehiyon.
Maaaring masilayan ang ikalawang supermoon para sa 2022 ngayong gabi kung hindi magiging maulap o maulan sa inyong lugar.
No comments: