Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » Usa, namataan sa bulubunduking bahagi ng Marinduque

 


MARINDUQUE -- Isang adult male na Marinduque Brown Deer o kilala din sa tawag na Philippine Sambar, Philippine Brown Deer (Rusa marianna) o "Usa" sa lokal na katawagan ang namataan ng isang concerned citizen sa kanilang lupang taniman sa kabundukang bahagi ng isla (hindi na babanggitin ang eksaktong lugar upang protektahan ang kaligtasan ng buhay-ilang na ito).

Ipinagbigay alam ng concerned citizen sa Marinduque Animal and Wildlife Rescue Emergency Response Team ang nasabing "sightings" para sa kaukulang aksyon dahil sinisira daw nito ang kanilang mga pananim.
Pinayuhan ang nag report na huwag itong huhulihin o sasaktan at sinabihang bugawin na lamang ito palayo sa kanilang taniman.

Iuulat ng MAWRERT sa lokal na tanggapan ng DENR ang insidente upang magkaroon ng madaliang assessment sa lugar ng sa ganoon ay maprotektahan at mapangalagaan ang mga natitira pang lahi ng "USA" na matatagpuan sa kabundukan ng Marinduque. 

Ayon sa Provincial Veterinary Office, kinakailangang magkaroon ng information dissemination and education campaign sa mga lugar o barangay na mayroong "sightings" ng mga di pangkaraniwang buhay-ilang para sa pangkalahatang pangangalaga sa mga ito.

Ang Philippine Sambar o Brown Deer ay nasa bingit na ng pagkaubos dahil sa ilegal na pang huhuli dito, at napaulat pa sa isang artikulo na hinihinalang "EXTINCT" na daw ang ganitong uri ng buhay-ilang sa islang lalawigan ng Marinduque.

Sa isang report naman mula din sa ilang nagmamalasakit na mamamayan na talamak diumano ang panghuhuli nito sa isang tinukoy na barangay na nasasakop ng Marinduque Wildlife Sanctuary.

Samantala, pinapaalalahanan ang lahat na mahigpit na ipinagbabawal ang panghuhuli, pagbebenta at pamiminsala sa lahat ng samut-saring buhay ayon sa probisyon ng Wildlife Conservation and Protection Act, ang paglabag dito ay may nakalaang mabigat na parusang pagkaka-kulong at mataas na multa. (GDZ)

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply