“HIRAP TALAGA MAGING FARMER”
Magkahalong panghihinayang at pangamba ang nararanasan ng mga magsasaka sa Laur, Nueva Ecija dahil malaki ang posibilidad na sila ay malugi sa ekta-ektaryang tanimang maaaring daanan ng bagyo.
Sa video ni Felix Pangibitan, maaga siyang nagtungo sa kanilang lupang sakahan kasama ang kaniyang mga kapwa magsasaka. “Ewan kung anong mangyayari bukas, sayang ang ganda ng palay. Binidyo ko na nga kase bukas hindi ko alam kung mananatili pa itong nakatayo maghapon hanggang gabi”, panghihinayang ng magsasaka.
No comments: