Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » Construction worker, patay sa aksidente sa motorsiklo


GASAN, Marinduque -- Dead on arrival ang isang construction worker nang maaksidente ito sa Banuyo, Gasan nitong Sabado ng gabi.


Nakilala ang biktima na si Orlando Saez, 43-anyos at residente ng Bgy. Dawis, Gasan at wala itong lisensya ayon sa report ng pulisya.

Ayon pa sa PNP Gasan, nangyari ang aksidente dakong 11:00 ng gabi sa tulay ng Antipolo-Banuyo sa naturang bayan.

Mabilis umano ang pagpapaandar ng biktima na nasa impluwensiya ng alak habang binabagtas niya ang Antipolo - Banuyo National Road nang hindi na nito nakontrol ang minamaneho nitong motorsiklo at humampas sa 'concrete gutter' ng tulay sa lugar.

Posibleng matinding tama sa ulo ang natamo raw ng biktima, sanhi ng pagkamatay nito, ayon sa Gasan Municipal Police Station.

Isinugod pa sa ospital ng mga rumespondeng miyembro ng himpilan ng pulisya, mga tauhan ng BFP at mga opisyal ng barangay ng nasabing lugar ngunit sinabi ng attending physician na dead on arrival (DOA) ang nasabing drayber. (DERE)




 

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply