Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » Lalaki, nalunod sa dagat sa Santa Cruz

 

SANTA CRUZ, Marinduque — Isang lalaki ang iniulat na nasawi sa pagkalunod sa sa isla ng Mongpong nitong Biyernes, Marso 10.

Sa report ng Santa Cruz Municipal Police Station, dakong alas-4:30 ng hapon nang malunod sa karagatang sakop ng Sitio Malakondong, Bgy. Mongpong sa bayan ng Santa Cruz ang biktimang si Marc Angelo Misamis, 38 anyos, pest control technician at residente ng Laguna.

Ayon sa mga kaibigan ng biktima na kasama sa pagbabakasyon sa isla, habang sila'y nag-iinuman ay naglangoy si Misamis habang ito ay nasa impluwensya ng alak hanggang sa napansin nila na nahihirapan na ito sa paglalangoy.

Gayunman, agad itong sinubukang iligtas ng dalawang mangingisda sa isla at dinala ang lalaki sa baybayin upang lapatan ng first aid ngunit bigo ang mga itong maisalba ang buhay ng biktima. - Dave Escala, MN

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply