Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » Misang Triduum, Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, nagsimula na

 


BOAC, Marinduque – Nagsimula na ang mga misang Triduo mula Marso 14 hanggang 16 para sa silver anniversary ng Monasteryo ng St. Clare sa Brgy. Bantauyan-Bantad, Boac, Marinduque. Ang paksa ng naturang pagdiriwang ay “Mabuting mga Katiwala: Sama-samang naglalakbay ng may pasasalamat sa Diyos sa dalawamput-limang taong biyaya at pagpapala.”

Ang unang banal na misa ay ginanap nitong Marso 14, Martes, 4:00 ng hapon at nakatoka sa Vikarya ng Monserat de Marinduque (Boac) na binubuo ng mga Parokya ng Immaculate Conception, Mahal na Birhen ng Biglang Awa, San Isidro Labrador, Sacred Heart, Mary Help of Christian at Our Lady of Peace and Good Voyage kasama ang mga tagabasa, akolito, salmista, choir at sakristan.

Nitong Marso 15 ang sumunod na pagdiriwang ng misa sa parehong oras na nakatalaga sa Vikarya ng San Bernardo de Marinduque (Gasan) kasama ang parokya ng St. Joseph Spouse of Mary, Holy Child Jesus, St. Raphael Archangel at Our Lady of Lourdes bilang tanda ng pagkilala sa mga tagapagtaguyod at tagapagtangkilik ng Monasterto ng Boac.

Ngayong Huwebes, Marso 16 4:00 ng hapon muling ipinagdiwang ang banal na misa hatid ng Vikarya ng San Juan de Marinduque (Santa Cruz) kasama ang Parokya ng Holy Cross, Our Lady of the Most Holy Rosary, St. Joseph the worker, St. Ignatius of Loyola at Our Lady of Guadalupe bisperas ng ika-25 pagkakatatag ng Monasteryo ng St. Clare ng Boac.

Nataon din ang ika-28 Sacerdotal at pangwalong Episcopal Ordination anniversary ni Bishop Junie, Most Rev. Marcelino Antonio Maralit noong Marso 13 at kaarawan ng Kura Paroko ng Parokya ng Sacred Heart si Fr. Jojie Mangui noong Marso 12 ang ikatlong linggo ng Kuwaresma. Habang sa Marso 17 ang misang pasasalamat sa Silvery Anniversary ng Monasteryo ng St. Calre sa ganap na 9:30 ng umaga at ipapalabas ang livestream sa Monastery of Sta. Clara | via Randy Nobleza, MN

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply