Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » 2 Punong Barangay sa bayan ng Boac, suspendido


BOAC- Suspendido ang dalawang Punong Barangay sa bayan ng Boac dahil umano sa iregularidad sa pagbabahagi ng unang tranche ng SAP, ang programa ng gobyerno kung saan binigyan ng cash subsidy ang mga mahihirap at bulnerableng Pilipino na apektado ng ipinatupad na enhanced community quarantine dahil sa Covid-19.

Pinangalan ang mga nasuspinde na sina Imee Malabayabas Lara ng Brgy. Tumapon, Boac, Marinduque at Leonardo M. Narzoles ng Brgy. Tabi, Boac Marinduque.

Ang Department of the Interior and Local Government ang nagsampa ng reklamo laban sa mga opisyal ng barangay.

Sa kabuuan ay 89 ang sinuspindeng Punong Barangay sa buong bansa at apat sa Rehiyon ng MIMAROPA. Inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga mayor na nakakasakop sa mga kapitan para kaagad na ipatupad ang kautusan ng Office of the Ombudsman na anim na buwang preventive suspension.

“Naway magsilbing babala ang suspensiyon na ito sa iba pang mga lokal na opisyales. Ang katiwalian ay walang puwang sa ating pamahalaan lalong-lalo pa ngayong panahon ng pandemya,” ani DILG Sec. Eduardo Año.

«
Next
Newer Post
»
Previous
This is the last post.

No comments:

Leave a Reply