SANTA CRUZ - Naitala ang bagong positibong kaso ng COVID-19 sa Bgy. Buyabod sa bayan ng Santa Cruz. Ang pasyente ay 33 taong gulang na lalaki at may travel history sa labas ng Marinduque (APOR).
Ayon sa post ng Provincial Health Office, nakahalubilo ng pasyente ang MRQ Case No. 17.
Nakaramdam ang pasyente ng lagnat at ubo simula noong Septyembre 2 at kinuhanan ito ng specimen noong Sept. 8. Kanina lamang dumating ang resulta na nagsasabing ito ay positibo sa sakit.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng pamahalaan na ang lahat ay nararapat na sumunod sa mga protocols na ipinatutupad.
No comments: