Sa radio program ni Marinduque Governor Presby Velasco, Jr. inilahad niya ang mga panuntunan sa para makauwi sa probinsya mula Agosto 1-31 ngayong taon.
PARA SA MGA FOREIGN AND DOMESTIC TRAVELERS
Ang mga dayuhang manlalakbay at mga turistang hindi residente ng Marinduque ay pansamantalang ipinagbabawal ang pagpasok sa probinsya mula Agosto 1-31,2021.
PARA SA MGA APORS
EXEMPTED sa travel restrictions ang mga APOR na kinabibilangan ng mga government Officials, OFWs, Returning NON-OFWs, Drivers/ Helpers ng Cargo Trucks/Vehicles at medical related service vehicles
Ang lahat ng APORs (maliban sa mga opisyal ng gobyerno at empleyado) ay kinakailangang sumailalim sa sa Antigen Test at kumuha ng negatibong sertipiko bago ang takdang pagbyahe sa probinsya.
Ang OFWs at mga returning NON-OFWs ay kinakailangang sumailalim sa RT-PCR Test at kumuha ng negatibong sertipiko nito Bago ang takdang pagbyahe sa probinsya. Pagkatapos ng ika-sampung araw ng quarantine ng OFWs, ang natitirang apat (4) na araw ay maari nang mai-kumpleto sa Marinduque sa kondisyong ang OWWA ang gagastos sa mga bayaring kakailanganin sa quarantine.
Ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay exempted sa RT-PCR Test at Antigen Test sa bisa ng IATF Resolution No.98-A, 2021
Kinakailangang sumailalim sa quarantine, kung Ang nasabing opisyal o empleyado ng gobyerno ay nagpapakita ng anumang sintomas.
PARA SA MGA NON-APORS
Sa inilabas na Executive Order No. 26-2021 Ang pagpasok sa probinsya ng mga NON-APORS ay pinaghihigpitan, dahil sa paglaki ng numero ng mga bagong kaso ng COVID-19 at pagkakaroon ng Alpha at Beta variants, gayundin ang nakakabahalang pagtaas ng infection rate sa probinsya.
Maaaring payagang makapasok sa lalawigan ang mga NON-APORs, sa mga sitwasyong mahalaga at makatwirang dahilan. Ngunit kinakailangan na silay sumailalim sa Antigen Test.
Ang mga residenteng nawalan ng trabaho na nagnanais bumalik sa Marinduque ay pinapayuhang mag-apply sa Balik Probinsya 2 program. Ano ang Balik Probinsya Program? https://en.balikprobinsya.ph/
Ang mga residente ng Marinduque na nagnanais na magbalikan lamang palabas at papasok ng probinsya ay kinakailangan ng Travel Coordination Permit (TCP) mula sa Office of the Governor o sa satellite office sa Municipal Hall ng Santa Cruz. Ito ang magsisilbing permit sa kanilang pagbabalik.
Kung lalagpas ng apat (4) na araw sa labas ng Marinduque, kinakailangan nang sumailalim sa Antigen o RT-PCR Test at ipakita ang negatibong resulta nito bago ang takdang pagbiyahe papuntang Marinduque. Ang mga sanggol ay Hindi na kailangang sumailalim sa COVID-19 testing.
Hindi po ba pwede ang swab test? Need po ba talaga antigen?
ReplyDelete