Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » Ilang operasyon sa Marinduque Provincial Hospital, pansamantalang ihihinto dahil sa COVID-19


BOAC- Pansamantalang isasara ang medicine at pediatric ward at ipapahinto ang serbisyo ng Radiology Department ng Marinduque Provincial Hospital sa bayan ng Boac matapos magkaroon ng exposure sa COVID-19 ang halos 27 na health workers dito. 

Ayon sa panayam ng Brigada News FM Lucena kay Dr. Edgar Ancheta, Chief of Hospital, magbabawas ng serbisyo at magsasara ang ilang bahagi ng ospital upang bigyang daan ang disinfection ng mga pasilidad.

Dagdag pa ni Ancheta, limitado lamang ang magiging serbisyo ng ospital kagaya ng ilang emergency cases at serbisyong pang-laboratoryo.

Kaugnay nito, lahat ng pasyenteng naka-admit sa medicine at pediatric ward ay ililipat muna sa Sta. Cruz District Hospital.

Nanawagan naman ang nasabing hospital chief sa kanyang mga kababayan na tumalima sa minimum health standards na ipinatutupad sa lalawigan para matulungang mabawasan ang panganib sa mga health workers.

Sa darating na lunes, Setyembre 21 nakatakdang magbalik operasyon ang mga ipinahintong serbisyo.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply