BRIGADA NEWS FM- Isa-isang pinagtatanggal sa kani-kanilang committee chairmanship sa Kongreso ang mga kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, sa gitna ng papainit nang papainit na speakership row habang papalapit ang pagtatapos ng termino ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano bilang Speaker sa ilalim ng 15-21 term sharing agreement.
Sa sesyon ng plenaryo, tinanggal ng Kamara ang chairmanship nina Quezon 4th District Rep. Helen Tan sa committee on health, AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin sa committee on economic affairs, at Valenzuela City 2nd District Rep. Eric Martinez sa committee on youth and sports development.
Papalit sina Guimaras Lone District Rep. Ma. Lucille Nava kay Tan, Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr. kay Garin, at Manila 3rd District Rep. John Marvin Nieto kay Martinez.
Ang pagkakatanggal ng mga mambabatas mula sa kanilang hinahawakang komitiba ay ilang araw matapos sibakin rin si 1-PACMAN Partylist Rep. Michael Romero, ang kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, bilang Deputy Speaker. | via Brian Zagala
No comments: