![]() |
Photo Courtesy to LMD PESO Marinduque FB Page |
MARINDUQUE- 45 na benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) mula sa bayan ng Boac, Gasan, Mogpog, Torrijos at Buenavista ang nakatanggap ng unang batch ng kanilang 60% counterpart mula Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque.
Ito ay programa ng Department of Labor and Employment katuwang ang tanggapan ng Public Employment Service Office (PESO)- Marinduque na naglalayong mabigyan ng oportunidad ang kabataan na makapagtrabaho para higit na linangin ang kanilang kakayahan at makatulong para sa kanilang pag-aaral lalo’t higit ngayong panahon ng pandemya.
Samantala, habang patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa lalawigan ay sinigurado pa rin ng tanggapan na masusunod ang quarantine measures, ang mga benepisyaryo ay 21 hanggang 30 alinsunod sa quarantine protocol na inilabas ng pamahalaang panlalawigan.
No comments: