Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » KKK: Pahinga pa more dahil extended ang bakasyon; Resume ng mga klase, Septyembre 13 pa

 #KKK: Matapos ang ilang linggong pahinga mula sa mga virtual classes kumusta na ang ating mga chikiting? Nakahinga-hinga na ba sa mga gawaing pampaaralan? Kumusta ang ating mga momshies at papshies na naging instant guro at gumabay sa kanilang mga anak sa mga araw ng online classes? Handa na ba ang lahat sa susunod na pasukan? Kumusta ang ating mga kaguruan? Handa na ba lahat para sa susunod na pasukan?

Kung hindi pa, huwag ng mag-alala extended ang bakasyon ng ating mga chikiting. Sapagkat nitong Lunes, Agosto 2, 2021 ay inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pormal na pagsisimula ng klase ng mga pampublikong paaralan sa panuruang taon sa 2021-2022 at ito ay magsisimula sa Setyembre 13, 2021. 

Ito ay batay na rin sa inirekomendang petsa ni DepEd Secretary Leonor M. Briones. Matatandaang nagtapos ang nakaraang panuruang taon noong Hulyo 10, 2021. 

Taliwas sa mga unang rekomendasyon na magsisimula ang klase ng mga mag-aaral ng elementarya at sekundarya sa mga pampublikong paaralan ng Agosto 23, 2021 ay nadagdagan pa sila ng tatlong linggong bakasyon. Isa itong magandang balita dahil magkakaroon ng mahaba-haba bang preperasyon para sa darating na pasukan upang makahinga ng maluwag ang ating mga chikiting, mga magulang, at mga gurong hanggang ngayon ay hindi pa pinapalaya ng mga gawain noong nakaraan mula pa noong  huling - (DAM/MN)

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply