Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » KKK: Narito ang mga dapat mong malaman sa usaping "Bakuna" kontra COVID-19

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng virus na COVID-19 sa ating probinsiya. Kumusta ka Kabayan? Nabakunahan ka na ba? Anu-ano ang mga bagay na alam mo tungkol sa epekto ng pagpapabakuna? 


Ayon sa Provincial Health Office ng Marinduque, nasa 21,650 katao na ang nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19, ito ay nasa 12.76% na ng mga mamayan ng Marinduque na nakatakdang turukan ng bakuna laban sa naturang sakit. 


Sa programang, the Governor's Hour ni Gov. Presby Velasco ay inihayag nitong maasahan ng mga Marinduqueño na patuloy siyang gagawa ng mga hakbangin upang makakuha ng sapat na suplay ng bakuna ang ating lalawigan. 


Usap-usapan sa social media at mga umpukan ang tungkol sa bisa ng mga bakuna kontra COVID-19. Huwag po tayong magpapaniwala sa mga sabi-sabi. Narito ang mga dapat tandaan tungkol sa pagpapabakuna.


1. Ang mga bakuna ay lumilikha ng mga anti-bodies para labanan ang mga virus o bakterya na nagdudulot ng sakit. Ang mga anti-bodies na ito ang nagpoprotekta sa katawan ng tao laban sa virus. Tandaan na nangangailangan ng din ng ilang panahon para mabuo ang mga anti-bodies na ito kung kaya't dapat pa ring maging maingat.


2. Bagaman iba't-iba ng komposisyon ang mga bakuna ang lahat ng ito ay napag-aralan ng mga eksperto. Hindi ipinipilit ang pagtuturok ng bakuna kung hindi man gusto ng may katawan ang brand nito ngunit ipinaalala nating ang lahat ng mga ito ay epektibong panlaban sa COVID-19.


3. Mayroong mga possibleng katawan ang pagbabakuna gaya ng pananakit ng bahaging naturukan, pagkahilo at pagsusuka. Ito ay normal lamang, ngunit kung ikaw ag nababahala maari ka namang komunsulta sa iyong doktor. 

Ang mga bakuna ay may mga epekto sa katawan ngunit nakakasiguro ang mga eksperto na mas malaki ang naitutulong nito sa katawan.


4. Ang lahat ay kinakailangang magpabakuna, sa kasalukuyan limitado ang suplay ng bakuna ngunit sinisigurado ng pamahalaang panlalawigan na gagawin nila ang lahat para maturukan ang lahat ng bakuna.


5. Hindi mandatory ang pagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19. Ngunit ang lahat ay hinihikayat na magpaturok upang makatulong sa pagpababa ng kaso ng COVID-19 at para maproteksyunan ang ating mga sarili.


Ano Kabayan, bakunado ka na ba? Nalinawan na ba ang iyong isipan? Kung oo, magpalista ka na sa mga babakunahan sa inyong baranggay kung magkakaroon ng pagkakataon. Maging parte ng solusyon, proteksyunan ang inyong sarili. Protektahan ang iyong pamilya. (DAM)

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply