COVID-19 UPDATE: Ikinabahala ni Marinduque Governor Presby Velasco Jr. ang biglaang pagsipa ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa probinsya. Mula sa bilang na 390 positibong kaso noong Mayo 12, 2021, pumalo na sa 960 ang kasalukuyang nadapuan ng virus, 117 ang aktibo, at 37 na ang namatay.
Samantala, patuloy ang paalalang mag-ingat ang bawat isa dahil dito ay posibleng makapasok sa probinsya ng DELTA variant.
Kaugnay nito, pansamantala na munang ipinagbabawal ang foreign at international travelers, at mas mahigpit na pagpapatupad ng patakaran para sa mga taong nais pumasok sa lalawigan. (DKD/DERE)
No comments: