Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» »Unlabelled » Paz Latorena: Ang tumatak na manunulat sa unang henersyon

Isinilang noong January 17,  1907 sa bayan ng Boac Marinduque ang isa sa mga pundasyon ng literaturang Ingles sa bansa. Siya ay Paz Latorena, panganay sa sampung anak nina Magda Manguera at Ricardo Latorena.

Sa murang edad ay lumipat sila ng Maynila upang doon mag-aral. Nagtapos siya ng sekundarya sa Manila South High School (Araullo High School) at taong 1925 ng kumuha siya ng kursong Edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila  na kung saan ay dumadalo din siya ng isang klase tungkol sa pagsusulat ng maikling kwento sa ilalim ni Paz Marquez Benitez na isa ring manunulat na may malaking impluwensiya sa pagpalalaganap ng literaturang naisulat sa wikang Ingles.

Taong 1927 ng imbitahan ni Benitez si Latorena na sumulat ng isang kolum para sa Philippine Herald Magazine na kung saan ay isa si Benitez sa mga editor. Sa parehong taon ay itinatag ni Latorena at iba pang manunulat ang UP  Writers Club na kung saan ay naitampok ang isa sa kanyang maikling kwento na may pamagat na "A Christmas Tale". 

Sumulat din ng mga tula si Latorena sa ilalim ng pangalang Mina Ly's na kinakitaan ng pagkiling sa sulating ukol sa pag-ibig.

Bago magtapos ang taong 1927 ay ginawaran si Latorena ng pagkilala sa Jose Garcia Villa's Honor Roll for Short Stories na kung saan ay nakamit niya ang ikatlong pwesto para sa maikling kwentong pinamagatang, " The Small Key". 

Sa huling taon niya sa kolehiyo at lumipat siya sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging literary editor ng Varistian na kung saan ay nailimbag ng mga tula niyang "Insight" at "My Last Song". 

Ang kanyang dessertasyon na may pamagat na " Philippine Literature in English: Old Voices and New" ay nakakuha ng pinakamataas na gradong sobresaliente. 

Ilan sa mga naging estudyante ni Paz Latorena ay ang mga manunulat na sina Nita Umali, Genoveva Edraso Matute, Zenaida Amador, Ophelia Dimalanta at Alice-Colet Villalolid. 

Tatlumpu't lima sa kanyang mga akda ay kinolekta at pinagatang "Desires and Other Stories".

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply