Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » Protocol sa buong lalawigan ng Marinduque habang nakasailalim sa MGCQ, mas paiigtingin

MARINDUQUE- Nilagdaan ni Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. ang Executive Order No. 34-2020 na nagtatakda ng pagpapalawig ng mga alituntunin upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpo-positibo sa buong lalawigan.

Nakalahad sa Seksyon 1 ng kautusan ay bawal na ang pagpasok sa probinsya ng mga Door-to-door Van at mga service vehicle na hindi rehistrado simula Oktubre 8, dahil na rin ito ay salungat sa mga kautusan ng LTFRB. Maaalala rin na ilan sa mga nagpositibo sa lalawigan noong mga nakaraang araw ay mga drayber ng door-to-door van.

Tinatalakay rin sa kautusan ang panahon o oras ng pagpasok at paglabas ng mga ROFs, APORs, LSIs, Delivery Truks at iba pang mga sasakyan sa probinsya na pahihintulutan lamang simula 6:00 ng umaga hanggang 1:00 ng tanghali habang ang mga delivery vehicles at truck ay puwedeng maglakbay kahit anong oras.

Ipagbabawal rin ang mga mass gathering simula Oktubre 8 maliban na lamang sa misa at iba pang gawaing pang-relihiyoso ngunit dapat pa ring isagawa ang ilang quarantine measures tulad ng Social Distancing.

Ipatutupad na rin ang Liquor Ban sa lalawigan na ididerektiba ng pamahalaang pambayan at ang "curfew hours" simula alas-otso ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply