Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» »Unlabelled » QUARANTIPS: Upang mabawasan ang inip, narito ang mga bagay na maaari mong gawin

Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating lalawigan nagkaroon na naman ng kaunting paghihigpit. Bagaman nakakaapekto ito sa ating mga pamumuhay hindi naman natin pwedeng isantabi ang katotohanang ang mga paghihigpit na ito ang hinihingi ng pagkakataon.

Para mabawasan ang inip ngayong quarantine narito ang ilang mga bagay na pwede mong gawin:

1. Maging produktibo. 

Sanayin ang sariling gumawa ng mga bagay na nakakatulong sa sarili at sa pamilya. Imbes na magmukmok sa kalungkutang dulot ng pananatili sa bahay,  gawin itong mas kapaki-pakinabang sa pamamagitan ng paggawa. Tumulong sa gawaing bahay at magbasa ng mga librong nakakatulong sa pagpapaunlad ng sarili. 

2. Tumuklas ng mga bagong kasanayan.

Hindi masama ang hindi maging kuntento sa kakayahang taglay. Subukang maghanap ng mga di pamilyar na gawaing makakatulong para magkaroon at matuto ng bagong kakayahan at kaalaman. 

3. Gugulin ang oras kasama ang pamilya

Makisalamuha sa lahat ng miyembro ng pamilya.  Ito\"y makakatulong sa mas malalim na ugnayan at relasyon sa kanila. Kumustahin at alamin kung ano ang mga nararamdaman ng bawat isa. 

4. Maging malusog. 

Palagiang tingnan ang kalagayan ng kalusugan hindi lamang para sa sarili kung hindi pati na rin sa pamilya. Uminom ng vitamins at kumain ng masustansiyang pagkain. Iwasan ang pag-iinom at paninigarilyo na walang magandang dulot sa pangangatawan. 

5. Magnilay.

Sa kabila ng samu\"t-saring balita tungkol sa pamayanan partikular na sa  pandemiya, magkaroon ng oras para sa pagninilay.

Madami pang mga bagay ang pwede mong gawin para maitawid ang umiiral na quarantine. Maari mong dagdagan ang mga halaman na naipon mo noong nakaraan. Madami, madami kang pwedeng gawin. Basta huwag kang papadala sa mga negatibong isipin, maging progresibo, produktibo at positibo. At huwag kakalimutang manalangin at hilingin sa panginoon na sana sa loob ng tatlong linggo pang paghihigpot ay tuluyan ng bumaba ang kaso ng COVID-19 sa ating lalawigan at maging sa buong bansa. (DAM/DKD)

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply