Picture taken while Atty. Rioflorido guides the rights of the accused during investigation |
Ayon kay PCAPT. Van Constantino ng Torrijos Municipal Police Station, may indikasyong ginahasa ang biktima dahil ito ay walang saplot nang makita. Samantala, patuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente at nasa kustodiya na ng kapulisan ang itinuturong 'person of interest'.
Creative: R: Mugshot ng suspek; L: Crime Scene |
21 Mayo, 7:04 pm - Umamin ang 'person of interest' na pinangalang si Julius y Salceda Regis na siya mismo ang gumahasa at pumatay sa pitong taong gulang na batang babaeng itinago sa pangalang "Kikay". Inilabas na rin ng PNP- Torrijos ang 'censored mugshots' nito.
Si Regis ay nahaharap sa kasong Rape with Homicide. Samantala, nakatakdang puntahan ng SOCO ang katawan labi ni Kikay sa bahay nito para sa autopsy report.
'Censored' Mugshots ni Regis |
No comments: