Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » Kaso ng dengue sa Marinduque, dumarami

 

Tumaas ang bilang ng kaso ng dengue sa Marinduque ngayong taon, ayon kay Dr. Gerardo Caballes, Provincial Health Officer.

Ayon sa talaan ng Provincial Health Office, nakapagtala na ng 132 na kaso ng dengue sa buong lalawigan; 41 sa bayan ng Buenavista, 38 sa Santa Cruz, 25 sa Boac, 13 sa Mogpog, 8 sa Torrijos at anim sa bayan ng Gasan at isa na ang pumanaw dahil sa naturang sakit.

"Ang tingin namin ay may outbreak na ng dengue dito sa Marinduque dahil lahat ng bayan ay may significant cases kumpara sa datos na naitala noong isang taon", pahayag ni Caballes sa isang radio program.

Dagdag pa niya, noong taong 2021 ay 41 lamang ang kabuuang kaso ng dengue ang naitala ng PHO sa lalawigan sa buong taon.

Samantala, sa kabila ng patuloy na pagsipa ng kaso ng dengue sa Marinduque ay patuloy rin ang mga fogging activities sa mga lugar na may "increasing trend" para wasakin ang mga pinangingitlugan ng mga lamaok.

Pinapayuhan rin ang publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran at iwasan ang pagiimbak ng tubig na maaaring pamugaran ng mga lamok.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply