TORRIJOS, Marinduque -- Niyanig ng magnitude 2.5 na lindol ang bayan ng Torrijos, Marinduque, Hulyo 2.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-10:44 ng gabi nang maramdaman ang lindol na tectonic ang origin at may lalim ng lupa na 24 kilometro.
Ayon sa Phivolcs, walang dapat asahang mga aftershocks matapos ang lindol at wala ring naiulat na mga pagkapinsala.
Kasabay rin nito ay naitala ang mga pagyanig sa Negros Occidental at Davao del Sur. (DERE)
No comments: