BOAC, Marinduque -- Aprubado na ng Commission on Higher Education (CHED) ang pondo para sa sports and wellness program ng Marinduque State College (MSC).
Ayon kay Dr. Diosdado P. Zulueta, Pangulo ng MSC, inaprubahan na ng CHED en banc ang hiling na P20 milyong pondo para sa pagtatayo ng pasilidad pampalakasan na maaaring gamitin hindi lamang ng kanilang paaralan bagkus ay ng buong lalawigan.
Kabilang aniya sa mga proyektong itatayo ay ang state-of-the art track and field oval kasama na ang pagbili ng mga bagong sports equipment.
Dagdag pa ni Zulueta, hangad ng paaralan na makapaghubog ng mga manlalaro na wellness-minded, flexible at gender-responsive na inaasahang sa pagdaan ng panahon ay magiging pambato ng lalawigan sa regional, national at maging sa international sports competition.
Dahil dito ay inilunsad ng paaralan ang temang 'MSCs Sports and Wellness Program: Towards an Interactive, Dynamic, Enthusiastic, Aware and Literate (IDEAL) Community. -- Marinduquenews.com
No comments: