DAVAO CITY -- Humakot ng iba’t-ibang parangal at pagkilala ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) - Marinduque Chapter sa idinaos na 19th National Convention of Lawyers (IBP Golden Jubilee) noong February 16-18, 2023 sa SMX Convention Center, Davao City.
Ayon sa Pangulo ng IBP – Marinduque Chapter na si Atty. Ivy Rioflorido, isang malaking karangalan sa Marinduque na makatanggap sa unang pagkakataon ng prestihiyosong pagkilala mula sa samahan ng mga abogado sa Pilipinas. Dagdag pa niya, naging posible ang paghakot ng pagkilalang inani nila dahil sa serbisyo at husay na pinakita ng mga abogadong Marinduqueño.
Ilan sa mga natanggap na parangal ay ang mga sumusunod:
Most Outstanding Over-all Legal Aid Program Award
Best Chapter Award (Category C)
Best Practices Award for free legal service to the K5 Project
Governor’s Choice Most Outstanding Legal Aid Lawyer – Atty. Ivy M. Rioflorido
Most Outstanding Legal Aid Clerk for Category C – Ms. Ma. Zenaida Abetria
Plaque of Appreciation for Invaluable Service - Atty. Ivy M. Rioflorido
Certificate of Recognition - Atty. Ivy M. Rioflorido
Samantala, umakyat rin sa entablado si Marinduque Gov. Presbitero Velasco, Jr. para sa kanyang ‘Lifetime Achievement Award’, ito ay pagkilala sa kanyang pagsisilbi bilang National President ng IBP noong 1987.
No comments: