Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » Lalaki, timbog sa pagbebenta ng iligal na droga sa Santa Cruz

 


SANTA CRUZ, Marinduque -- Arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagbebenta ng iligal na droga sa ikinasang buybust operation ng pwersa ng Santa Cruz MPS, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), ACOP, at 2nd Platoon Marinduque Provincial Mobile Force (PMFP), Hunyo 23, Biyernes.

Kinilala ang supek bilang “Alyas Toto”, 28 anyos, may asawa at nakatira sa Brgy. Bancuangan, Santa Cruz, Marinduque.

Nadakip si Alyas Toto ng maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nasamsam mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Nakuha rin mula sa kanya isa pang maliit na candy wrapper na naglalaman rin ng siyam na piraso ng sachet ng tinatayang tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 12,000 piso.

Kinumpiska rin sa pagiingat ng lalaki ang counterfeit money na 3,000, motorsiklo, piraso ng papel at lighter.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DERE)

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply