QUEZON CITY, Philippines -- Isang kasunduan ang nilagdaan ng lokal na pamahalaan ng Santa Cruz sa pangunguna ni Mayor Marisa Red-Martinez at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), ito ay para sa pagtatayo ng housing o pabahay sa munisipalidad.
Bahagi ito sa pagtataguyod ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ng pamahalaan.
Kasama ni Mayor Red-Martinez, dumalo rin sa paglalagda ng MOA sina Vice Mayor Bobs Ricohermoso-Manuel, Konsehal Arman Palma, Konsehal Emilio Alvarez, Konsehal Isagani Revilla at ilang Department Heads ng munisipalidad.
Ayon kay Konsehal Palma, ito ay isang napakalaking pribilehiyo at oportunidad mula sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos kung saan marami sa ating mga kababayan ay makakamit na ang pinapangarap nilang sariling bahay.
Dagdag pa ng Konsehal, isa aniya ang Santa Cruz sa mga pinakamadaling naaprubahan sa programang ito dahil naging makulit sa pagfo-follow up ang Punong Bayan upang ito ay maisakatuparan.
Ang nasabing Pabahay Program ang sagot sa pangarap ng administrasyon ni PBBM na “Walang Pilipinong Walang Bahay sa Sariling Bayan”.
No comments: