BOAC, Marinduque -- Nag-aalab ang excitement para sa nalalapit na 5th MSC Film Festival na inihahandog ng Communication Society kasama ang mga mag-aaral sa ikatlong taon ng Batsilyer ng Sining sa Komunikasyon sa Marinduque State College. Ang nasabing film festival ay gaganapin sa Pebrero 13.
Ang Communcation Society ay nagbigay ng sneak peek sa mga unofficial posters ng mga official film entries para sa taong ito, na may temang "SINEGUNITA: Pelikulang Isyung Panlipunan ang Puhunan, Camera at Lente ang Daluyan." Ipinakita sa mga poster ang mga likha ng mga talentadong direktor at manunulat mula sa MSC, na nagsusulong ng unity at creativity.
Ayon sa Communication Society, "Join us as we immerse ourselves in the portrayal of social issues with brilliant storytelling, alluring cinematography, and mind-blowing twists." Inihanda ang anim na opisyal na lahok para sa taong ito, kabilang ang "Pag sayaw sa Hiraya," "Gintong Binhi," "Gayuma," "Tirikan," "Justicia Denegado," at "Kape."
Sa pangunguna ng Communication Society at ng mga mag-aaral sa ikatlong taon ng Batsilyer ng Sining sa Komunikasyon, ang 5th MSC Film Festival ay inilulunsad upang ipagdiwang ang National Arts Month na may temang "Ani ng Sining, Bayang Malikhain." Ang mga pelikula ay naglalahad ng iba't-ibang istoryang panlipunan na nagpapakita ng galing at husay ng mga Pilipino sa larangan ng sining.
Sa mga estudyante at alagad ng sining, ang Communication Society ay sumusuporta sa pagdiriwang ng National Arts Month bilang pagpupugay sa kahusayan at pagkakaiba-iba ng sining at kultura ng Pilipino. Saludo ang buong CommSoc sa husay at galing ng mga malikhaing Pilipino saan mang sulok ng mundo. Subaybayan ang mga kaganapan sa 5th MSC Film Festival sa Pebrero 13 at makilahok sa pagdiriwang ng National Arts Month ngayong Pebrero. (RN/MNTV6)
No comments: