Ganap ng nagtapos ang pagpapatupad Zoning & Community Quarantine ngayong araw na ito (Setyembre 16) sa mga barangay ng Laylay, Balaring, Ihatub at Caganhao sa pamamagitan ng Executive Order No.2020-041 na nilagdaan ni Acting Mayor Sonny Paglinawan.
Ang pagtatapos ng community quarantine ay sang- ayon sa Resolution No. 2020-03 (Resolution Recommending to the Local Chief Executive of the Mun.of Boac Marinduque the Lifting of Community Quarantine Classifications of Certain Area in the Mun.of Boac Particularly Barangays Laylay, Ihatub, Balaring ans Caganhao & Further Recommending to Place the Said Areas Under Modified General Community Quarantine ( MGCQ) Effective September 16, 2020) ng Municipal Health Crisis Taskforce, na pinamumunuan ng Assistant Task Force at Mun.Health Officer ng Boac , Dr.Joselito Awat.
Ayon sa Task Force , ganap nang tinapos ang Community Quarantine dahilan sa paggaling ng 2 pasyente ( MRQ Case #14 at MRQ Case#15) na nagpositibo sa Covid 19 noong unang linggo ng Setyembre.
Sa kasalukuyan, ang mga nabanggit na pasyente mula sa mga nasabing barangay ay nakauwi na sa kanilang mga pamilya , matapos magpakita ng recovery ayon na rin sa isinagawang pagsusuri ng Municipal Health Office.
Source: Boac Municipal Information Office
No comments: