Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » Massive Replanting ng hybrid coconut trees, patuloy na isinusulong

GOVERNMENT — Patuloy na isinasakatuparan ang proyektong Save Marinduque Coconut Trees ng pamahalaang panlalawigan. Sa tulong ng Salinas Corporation at ni Johnny Khonghun, ginanap sa Mogpog Municipal Hall noong  Agosto 4, ang isang aktibidad na naglalayong magbigay ng kaalaman ukol sa fertilizer na ginagamit para sa pagpapalago at magpapaganda ng produksyon ng coconut trees.


Sa pangunguna ni Governor Presbitero  Velasco Jr., inilahad niya kung gaano kaimportante na mas mapangalagaan ang “tree of life” o ang puno ng niyog sa lalawigan. Sa paglulunsad ng kampanyang ito, nagnanais ang pamahalaan na magtayo ng Coconut Facility sa District 1, Torrijos sa pangunguna ng hepe ng Philippine Coconut Authority na si Judy Pingko. Itinatayo na rin ng Department of Science and Technology (DOST)  ang isang pasilidad na naglalayong pag-aralan ang paglikha ng High Quality Virgin Coconut Oil, na gagamitin sa pag-eexport ng niyog sa lalawigan.


Kasama sa plano ang pagpapalit ng hybrid coconut trees sa mababang uri ng coconut trees. Isa itong paraan upang mapataas ang kalidad ng niyog sa probinsya, na malaking tulong upang mapalago ang kita at mabigyan ng trabaho ang mga magsasaka.

Kaugnay nito, patuloy ang registration para sa mga coconut farmers sa ilalim ng Republic Act 11524 o Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act. Inaanyayahan ang lahat na magparehistro upang makatanggap ng benepisyong makakatulong na mas mapaunlad ang hanapbuhay sa pagtatanim.


Nabibilang sa tinatawag na “coconut farmers” ang mga magsasaka na; tenant ang relasyon sa may-ari, mayroong actual na sinasaka, may-ari ng 5 at pababang hektarya, at siyang nangangalaga, nagpapalaki, at bumubuhay sa mga puno ng niyog. Gayundin ang nangangalaga, ngunit nasa ilalim ng may-ari ng lupa ang paggawa.


Katulong si Administrator  Benjamin Madrigal, patuloy na pinaiigting ang mga plano upang maisakatuparan ang proyekto. Naglatag ng 75 milyong pondo si Gov. Presby upang matugunan ang mga benepisyong hatid ng programa. Kasama rito ang credit assistance, scholarship, kalayaang magtanim kung saan babayaran ang mga coconut farmers ng 85 pesos , 40 pesos per seedling, na mayroong sukat na 2 ft, 45 pesos naman kung pagkaraan ng anim (6) na buwan ay mabuhay. 


Sa pakikipag-ugnayan sa Salinas Corporation, sisimulan din and ang paggawa ng salt beds kasabay ng pamamahagi ng  apat (4) na sakong fertilizer kada hektarya at kemikal  na pitong  (7) bag kada hektarya, na magagamit sa pag-papaganda at pagpapalago ng tanim na ipapamahagi sa mga magsasaka. 


“Marami pa pong ipapamigay na ayuda sa mga cocnut farmers, kaya po napakabuti po na magrehistro. May mga credit benefits din na maaring kumuha ng loan sa Landbank o DBP,  medical insurance, at medical assistance”, pahayag ni Gov. Velasco. (DKD)

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply