Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » Mamamayan sa Marinduque, humihiling maging mining-free zone

 


MOGPOG, Marinduque – Sa kabila ng publikong konsultasyon upang gawig mineral reserve area ang limang barangay sa Mogpog, ang Marinuque Council for Environmental Concerns (MACEC) ay nagpahayag ng kanilang pagtutol sampu ng mga taga Mogpog at iba pang bayan ng Marinduque.

Ayon sa position paper ng MACEC, “Kami po sa Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC) bilang Civil Society Organization (CSO) at katuwang ng pamahalaan ay nagpapahayag ng pagtutol sa panukanag pagdeklara sa nasabing limang (5) barangay ng Mogpog bilang Mineral Reserve Area. Muli din po naming ipinararating ang aming pagtutol sa anumang panukalang pagmimina sa Mogpog at sa iba pang bayan. Hinihiling din po naming sa halip na panibagong pagmimina ay mai-delist maideklara ang lalawigan na mining-free zone.” 

Dagdag pa nila, Hinihiling din po naming na tutukan at pangunahan na ng DENR ang rehabilitasyon ng mga napinsalang kapaligiran sa Mogpog at sa iba pang bayan na naapektuhan upang magkaroon ng pagkakataong mapanumbalik ang kagandahan ng kapaligiran, kaligtasan at katiwasayan ng buhay ng mga mamamayan.

Naganap ang nasabing konsultasyon noong Nobyembre 10 at 13, tungkol sa proposed mineral reservation sa Mogpog partikular sa Puting Buhangin, Bocboc, Butansapa, Banto at Malayak sa inisyatiba ng Mines Geosciences Bureau kasama si Dr Edwin Mojares.

Kamakailan, nagkaroon ng public hearing sa konsultasyon ng panukalang Marinduque Environment Code sa Sangguniang Panlalawigan. Sa hiwalay na pagdinig ginawan ng resolusyon ang posisyong papel ng MACEC habang pinangako ng panlalawigang lupon na hindi matatapos ang buwan ay mapipinalisa na ang ordinansa para sa kalikasan. (RN/MN)


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply