Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

» » Paano nga ba nagkaroon ng Ati-atihan sa Santa Cruz?

 


SANTA CRUZ, Marinduque -- Noong unang panahon, mayroong ilang bisayang napadpad dito sa lugar ng Santa Cruz, ang ilan ay napadpad sa Barangay Balogo at sa Lapu-lapu, mayroon din sa bahagi ng Buyabod upang makapangisda at maghanap ng ipagkakabuhay.

Isa sa tradisyon ng mga bisayang ito ay ang magbigay pugay sa Santo Niño sa tuwing darating ang kapistahan nito. Bilang pagsasaya at pamamanata, binabalutan ng uling ang buong katawan ng bawat nakikisa at umiikot sa nayon upang ipamansag ang kanilang pagpupugay sa Santo Niño.

Sapagkat napadpad na sa bayan ng Santa Cruz ang mga bisaya, kanilang isinagawa sa bayan ang kanilang tradisyon at pamamanata.

Nagsimulang magpahid ng itim sa kaarawan ng Sto. Niño at nag umpisa ito sa halos dalawa hanggang tatlong kasapi lamang, kabilang na dito ang mga Baltazar sa Barangay Balogo at Dolfo sa Lapu-lapu. 

Katulad ng tradisyon sa kanilang pinagmulan, umikot din sila sa bayan ng Sta Cruz, subalit nabigo ang kanilang unang pagtatangka sapagkat sila ay nasita ng alagad ng Batas dahil sa ilegal na gawain. (Walang permit ang unang pagtatangka).

Kung kaya't mula noon, ginawan na nila ng paraan upang makakuha ng permiso sa naturang gawain, at simula noon, taon-taon na itong isinasagawa sa pangunguna ng mga dayong bisaya hanggang sa dumami ng dumami na ang mga nakikiisa sa naturang pagsasaya.

Source: Luciano Peñarubia (isa sa mga unang myembro na nakiisa sa ati-atihan sa bayan ng Santa Cruz). 

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply