MARINDUQUE, Philipppines -- Ang Philippine Misereor Partnership Inc (PMPI) ay nagpahayag ng kanilang suporta sa pagpapasa ng Environment Code na may pananaw sa proteksiyon ng kapaligirang pang-isla, may karapatang pangkalikasan at pagpigil sa anumang anyo ng pagmimina.
Kinikilala ng PMPI ang pag-angkop ng Rights of Nature sa panukalang Marinduque Environment Code of 2023. Isang mahalagang hakbang ito upang mapanatili ang kapaligiran sa pulo mula sa mapanirang industriya kagaya ng pagmimina.
Ang trahedvang naganap noong 1993 sa Maguilaguila dam sa Mogpog at 1996 sa Ilog Boac ay masakit na alaala sa pinsalang epekto ng iresponsableng pagmimina. Ang pangmatagalang epekto ng Marcopper Mining ay ramdam pa rin ngayon sa buhay ng mga ordinaryong tao, kasama ang kalikasan, pagkamatay ng buhay sa tuig, pagkakasakit at pagkawala ng buhay ang nagsisilbing matning pangangailangan para protestant ang likas na yaman ng lalawigan.
Nanawagang siła, kaisa ng mga taga-isla, “Marinduque’s designation as a mining reserve should be rescinded. The island be recognized instead as a mining-free zone and all mining permit applications should be stopped.”
Batay sa dokumento ng PMPI, sa “eco-theological framework for the rights of nature” ni Fr. Ed Gariguez, ang kritika sa anthropocentric theology ng Kristiyanismo ay nagbubukas ng saan sa lubhang mahalagang sangandaan ng kapaligiran at spirituwalidad. Gayundin, Lyon sa kaisipan ni Thomas Berry at Pope Francis tungkol sa rights of nature at laudato si, may angking halaga ang bawat nilalang, may pagkakakonekta ang lahat ng may buy at pag-igpaw sa konsepto ng kalikasan bilang gamit o pakinabang.
Ang panukalang Marinduque Environment Code of 2023 ay binubuo ng mga seksiyon at artikulo na may pagkilala sa rights of nature, maging sa papel ng pamahalaan sa pagpapatupad dito, kahit sa land resources, forest resources, at mayroong karampatang penalties at miscellaneous provisions.
Dagdag pa ng PMPI, “We also commend the recognition of the Rights of Nature in the proposed Marinduque Environment Code of 2023, a landmark step towards the sustainable use of natural resources for the benefit of future generations of Marinduqueños. The Rights of Nature bill is crucial in providing additional protection to Marinduque’s rich ecosystems". (Randy Nobleza/MN)
No comments: