Slider
Videos
Congress News
Provincial
Boac
Santa Cruz
COVID-19
Gasan
Usapin sa banta ng oil spill sa Verde Island Passage, tinalakay
By: Dave Escala on March 22, 2023 / comment : 0 Island Innovation
Sa nakaraang public forum, “Stop the Oil Spill and Hold the Culprits of this Disaster Accountable” nahimay ang iba-ibang banta sa Verde Island Passage at mga hakbangin mula dito kahapon Marso 20. Sa pakikipag-ugnayan ng Greenpeace, Oceana, Center for Energy, Ecology and Development at iba pang stakeholder sa Isla Verde Passage kasama ang Batangas, Palawan, Mindoro, Romblon at Mindoro.
Nagbahagi ng situationer ang isang konsehal mula sa Pola, Oriental Mindoro at kung ano ang mga kasunod na gagawin ng kanilang lokal na pamahalaan. Nagbigay naman ng teknikal na paglalahad si Dr. Hernando Bacosa ng Mindanao State University Bataraza Campus tungkol sa mga siyentipikong pag-aaral at posibleng impact ng oil spill. Bilang bahagi ng consortium na gumawa ng pag-aaral partikular sa Deepwater horizon noong taong 2010 sa Gulf of Mexico. Nag-ambag din sina Dr. Katherin Sanchez-Escalona ng Mindoro State University at Dr. Javee Saco ng Batangas State University sa talakayan tungkol marine ecosystem.
Ang health advocate at consultant namang si Dr. Tony Leachon na tubong-Mindoro ay nagbigay ng ilang epekto sa kalusugan ng oil spill habang nagbigay naman ng mga legal na remedyo ang kinatawan ng CEED si Atty. Avril de Torres. Ayon naman sa Greenpeace at Oceana, sa halimbawa ng nangyari sa Guimaras noong 2006 ay nagkaroon ng RA 9483 o Oil Spill reparation act of 2007.
Nakadalo din ang mga Island Innovation Ambassador mula sa Mimaropa at kasali sa Verde Island Passage na sentro ng marine biodiversity sa daigdig. Nagbigay ng ilang inisyatiba si Dr. Marius Panahon tungkol sa pananaliksik. Naglatag naman ng mga hakbang si Dr. Randy Nobleza na ginagawa ng munisipal at panlalawigang pamahalaan ng Marinduque. Kamakailan ay bumisita si Buenavista Punong Bayan Bong Siena sa bayan ng Pola at nagbigay naman ng privilege speech si Bokal Tres Mangcucang sa Sangguniang Panlalawigan tungkol sa paghahanda ng Marinduque sa oil spill. Ang Marinduque ay nakaranas ng tailing spill noong March 24, 1996 at nagkaroon ng 50 taong moratorium sa pagmimina. Naghahangad ang lalawigang madeklara ng “mining free zone” ang isla ng Marinduque. | via Randy Nobleza/MN
Misang Triduum, Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, nagsimula na
By: Marinduque Ngayon on March 16, 2023 / comment : 0 Life and Culture
BOAC, Marinduque – Nagsimula na ang mga misang Triduo mula Marso 14 hanggang 16 para sa silver anniversary ng Monasteryo ng St. Clare sa Brgy. Bantauyan-Bantad, Boac, Marinduque. Ang paksa ng naturang pagdiriwang ay “Mabuting mga Katiwala: Sama-samang naglalakbay ng may pasasalamat sa Diyos sa dalawamput-limang taong biyaya at pagpapala.”
Ang unang banal na misa ay ginanap nitong Marso 14, Martes, 4:00 ng hapon at nakatoka sa Vikarya ng Monserat de Marinduque (Boac) na binubuo ng mga Parokya ng Immaculate Conception, Mahal na Birhen ng Biglang Awa, San Isidro Labrador, Sacred Heart, Mary Help of Christian at Our Lady of Peace and Good Voyage kasama ang mga tagabasa, akolito, salmista, choir at sakristan.
Nitong Marso 15 ang sumunod na pagdiriwang ng misa sa parehong oras na nakatalaga sa Vikarya ng San Bernardo de Marinduque (Gasan) kasama ang parokya ng St. Joseph Spouse of Mary, Holy Child Jesus, St. Raphael Archangel at Our Lady of Lourdes bilang tanda ng pagkilala sa mga tagapagtaguyod at tagapagtangkilik ng Monasterto ng Boac.
Ngayong Huwebes, Marso 16 4:00 ng hapon muling ipinagdiwang ang banal na misa hatid ng Vikarya ng San Juan de Marinduque (Santa Cruz) kasama ang Parokya ng Holy Cross, Our Lady of the Most Holy Rosary, St. Joseph the worker, St. Ignatius of Loyola at Our Lady of Guadalupe bisperas ng ika-25 pagkakatatag ng Monasteryo ng St. Clare ng Boac.
Nataon din ang ika-28 Sacerdotal at pangwalong Episcopal Ordination anniversary ni Bishop Junie, Most Rev. Marcelino Antonio Maralit noong Marso 13 at kaarawan ng Kura Paroko ng Parokya ng Sacred Heart si Fr. Jojie Mangui noong Marso 12 ang ikatlong linggo ng Kuwaresma. Habang sa Marso 17 ang misang pasasalamat sa Silvery Anniversary ng Monasteryo ng St. Calre sa ganap na 9:30 ng umaga at ipapalabas ang livestream sa Monastery of Sta. Clara | via Randy Nobleza, MN
Island Innovation Ambassadors take part of Sustainable Development in Islands Training Session
By: Marinduque Ngayon on March 16, 2023 / comment : 0 Island Innovation
Past and present ambassadors provided some insights about environmental and sustainability challenges last March 9, 5pm in New York, 10pm London 9am Sydney or March 10, 6AM Philippine Standard time.
Stacey Alvarez de la Campa of Barbados facilitated the exchange between current and seasoned Island Innovation Ambassadors about Sustainable issues in the islands last week. Among the previous cohort of ambassadors, Zaidy Afrin from Fiji shared her ongoing advocacies about Sustainability Development Goals and circular economy. Chirag from India also echoed the concerns from a slight different perspective.
De La Campa started off with the concept of Sustainable Development which “calls for concerted efforts towards building an inclusive, sustainable and resilient future for people and planet.” Moreover, for sustainable development to be achieved, according to the Island Innovation Ambassador Coordinator, “it is crucial to harmonize three core elements: economic growth, social inclusion, and environmental protection.”
Based on Zaidy’s slides, there is a need to shift paradigms like tides of the islands: from reduction to emergence, from line to non-linear, separate to connected and from static to dynamic. She also asked newbie ambassadors about how local actions help achieve Sustainable Development goals through some templates.
One of the highlights of the training session is the “Systems Innovation Toolkit for Circular Economy.” This toolkit utilizes guides and canvasses. The guides explain the key concepts in an accessible fashion while canvasses support user in applying these ideas. What is paramount importance to islands is from simple innovative ideas can have the most impactful applications.
The ambassadors recently attended an info-session about Islands of Innovation online course from the European Union. The said course entails comparison of status quo and desired futures. Likewise it is intended to create a new or revised policy program and build innovation teams for areas, municipalities and even regions. | via Randy Nobleza/MN
Lalaki, nalunod sa dagat sa Santa Cruz
By: Dave Escala on March 13, 2023 / comment : 0 Santa Cruz
SANTA CRUZ, Marinduque — Isang lalaki ang iniulat na nasawi sa pagkalunod sa sa isla ng Mongpong nitong Biyernes, Marso 10.
Sa report ng Santa Cruz Municipal Police Station, dakong alas-4:30 ng hapon nang malunod sa karagatang sakop ng Sitio Malakondong, Bgy. Mongpong sa bayan ng Santa Cruz ang biktimang si Marc Angelo Misamis, 38 anyos, pest control technician at residente ng Laguna.
Ayon sa mga kaibigan ng biktima na kasama sa pagbabakasyon sa isla, habang sila'y nag-iinuman ay naglangoy si Misamis habang ito ay nasa impluwensya ng alak hanggang sa napansin nila na nahihirapan na ito sa paglalangoy.
Gayunman, agad itong sinubukang iligtas ng dalawang mangingisda sa isla at dinala ang lalaki sa baybayin upang lapatan ng first aid ngunit bigo ang mga itong maisalba ang buhay ng biktima. - Dave Escala, MN
NRCP charts the next normal with VUCAD2
By: Marinduque Ngayon on March 13, 2023 / comment : 1 Science
IBP Marinduque Chapter: Binansagang ‘hakot-awards’, ’runaway winner’
By: Dave Escala on February 25, 2023 / comment : 0 News
P20-M pondo sa sports at wellness program ng MSC, aprubado na ng CHED
By: Marinduque Ngayon on January 09, 2023 / comment : 0 Education
BOAC, Marinduque -- Aprubado na ng Commission on Higher Education (CHED) ang pondo para sa sports and wellness program ng Marinduque State College (MSC).
Ayon kay Dr. Diosdado P. Zulueta, Pangulo ng MSC, inaprubahan na ng CHED en banc ang hiling na P20 milyong pondo para sa pagtatayo ng pasilidad pampalakasan na maaaring gamitin hindi lamang ng kanilang paaralan bagkus ay ng buong lalawigan.
Kabilang aniya sa mga proyektong itatayo ay ang state-of-the art track and field oval kasama na ang pagbili ng mga bagong sports equipment.
Dagdag pa ni Zulueta, hangad ng paaralan na makapaghubog ng mga manlalaro na wellness-minded, flexible at gender-responsive na inaasahang sa pagdaan ng panahon ay magiging pambato ng lalawigan sa regional, national at maging sa international sports competition.
Dahil dito ay inilunsad ng paaralan ang temang 'MSCs Sports and Wellness Program: Towards an Interactive, Dynamic, Enthusiastic, Aware and Literate (IDEAL) Community. -- Marinduquenews.com
Construction worker, patay sa aksidente sa motorsiklo
By: Marinduque Ngayon on January 09, 2023 / comment : 0 Video
Construction worker, patay sa aksidente sa motorsiklo
By: Dave Escala on January 08, 2023 / comment : 0 Gasan
2 babae patay nang masagasaan ng 2 sasakyan sa Sto. Tomas, Batangas
By: Dave Escala on December 05, 2022 / comment : 0 Police Report
2 mangingisda, patay matapos tamaan ng kidlat habang nasa laot; 1, nakaligtas
By: Dave Escala on October 14, 2022 / comment : 0 Boac
![]() |
Apat na tsuper ng dyip, nakatanggap ng livelihood assistance mula sa DOLE
By: Dave Escala on September 29, 2022 / comment : 0 Boac
BOAC, Marinduque -- Nagkakahalaga ng P120,000.00 ng livelihood assistance ang naibigay ng Department of Labor and Employment - MIMAROPA sa apat na benepisyaryo nito sa Brgy. Tabi, Boac, Marinduque. Ito ay sa pamamagitan ng Marinduque Field Office nito, sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Bilang bahagi ng Entrepreneurship Project ng DOLE, apat na jeepney driver mula sa munisipalidad ng Boac ang napili para makatanggap ng mga sumusunod na tulong pangkabuhayan: G. Arnold Jalotjot mula sa Brgy. Agumaymayan at G. Daniel Laurence Magcamit mula sa Brgy. Si Sawi ay parehong nakatanggap ng rice retailing project na nagkakahalaga ng Php30,000.00 bawat isa, si G. Merson Miao mula sa Poctoy ay nakatanggap ng frozen food products retail starter kit na nagkakahalaga ng Php30,000.00, at si G. Ernie Magcamit ay nakatanggap ng Php30,00.00 na halaga ng feeds retailing starter kit.
Ang mga napiling benepisyaryo ay kinilala at ni-refer sa departamento ng LTFRB at kinilala bilang mga indibidwal na lubhang naapektuhan ng pandemyang COVID-19. (DERE)
Contact Form
Popular Post
-
Photo Courtesy: Mac Dillera/NCCA The moryonan Lenten ritual and the moryon mask making are two Philippine intangible cultural heritag...
-
Narito ang mga alituntuning dapat sundin sa paglabas at pagpasok ng lalawigan alinsunod sa ipinalabas na Executive Order No. 28, Series of 2...

















Comments