Slider

All Rights Reserve 2021. Powered by Blogger.

Videos

Congress News

Provincial

Boac

Santa Cruz

COVID-19

Gasan

Reclusion perpetua, inihatol sa suspek sa Malibago Rape Slay Case

 

BOAC, Marinduque -- Hinatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo si Julius Salcedo Regis o alias 'Ulyot' matapos na babaan ng hatol ni Regional Trial Court (RTC) Branch 38 Hon. Judge Emmanuel R. Recalde ang nasasakdal dahil sa kasong rape with homicide na nangyari noong Mayo 21, 2022 sa Brgy. Malibago, Torrijos, Marinduque.

Ang biktima ay isang menor de edad at hindi na natin pinangalanan alinsunod din sa batas. 

Dahil dito, napatunayan ng prosekusyon sa korte na si 'Ulyot' ay nagkasala ng walang pagdududa (guilty beyond reasonable doubt).

Kaya naman, hinatulan ni Hon. Judge Recalde ng habambuhay na pagkakakulong o reclusion perpetua si Regis o alyas "Ulyot" at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. | via Dave Escala, MN

Usapin sa banta ng oil spill sa Verde Island Passage, tinalakay

 

Sa nakaraang public forum, “Stop the Oil Spill and Hold the Culprits of this Disaster Accountable” nahimay ang iba-ibang banta sa Verde Island Passage at mga hakbangin mula dito kahapon Marso 20. Sa pakikipag-ugnayan ng Greenpeace, Oceana, Center for Energy, Ecology and Development at iba pang stakeholder sa Isla Verde Passage kasama ang Batangas, Palawan, Mindoro, Romblon at Mindoro.

Nagbahagi ng situationer ang isang konsehal mula sa Pola, Oriental Mindoro at kung ano ang mga kasunod na gagawin ng kanilang lokal na pamahalaan. Nagbigay naman ng teknikal na paglalahad si Dr. Hernando Bacosa ng Mindanao State University Bataraza Campus tungkol sa mga siyentipikong pag-aaral at posibleng impact ng oil spill. Bilang bahagi ng consortium na gumawa ng pag-aaral partikular sa Deepwater horizon noong taong 2010 sa Gulf of Mexico. Nag-ambag din sina Dr. Katherin Sanchez-Escalona ng Mindoro State University at Dr. Javee Saco ng Batangas State University sa talakayan tungkol marine ecosystem.

Ang health advocate at consultant namang si Dr. Tony Leachon na tubong-Mindoro ay nagbigay ng ilang epekto sa kalusugan ng oil spill habang nagbigay naman ng mga legal na remedyo ang kinatawan ng CEED si Atty. Avril de Torres. Ayon naman sa Greenpeace at Oceana, sa halimbawa ng nangyari sa Guimaras noong 2006 ay nagkaroon ng RA 9483 o Oil Spill reparation act of 2007.

Nakadalo din ang mga Island Innovation Ambassador mula sa Mimaropa at kasali sa Verde Island Passage na sentro ng marine biodiversity sa daigdig. Nagbigay ng ilang inisyatiba si Dr. Marius Panahon tungkol sa pananaliksik. Naglatag naman ng mga hakbang si Dr. Randy Nobleza na ginagawa ng munisipal at panlalawigang pamahalaan ng Marinduque. Kamakailan ay bumisita si Buenavista Punong Bayan Bong Siena sa bayan ng Pola at nagbigay naman ng privilege speech si Bokal Tres Mangcucang sa Sangguniang Panlalawigan tungkol sa paghahanda ng Marinduque sa oil spill. Ang Marinduque ay nakaranas ng tailing spill noong March 24, 1996 at nagkaroon ng 50 taong moratorium sa pagmimina. Naghahangad ang lalawigang madeklara ng “mining free zone” ang isla ng Marinduque. | via Randy Nobleza/MN

Misang Triduum, Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, nagsimula na

 


BOAC, Marinduque – Nagsimula na ang mga misang Triduo mula Marso 14 hanggang 16 para sa silver anniversary ng Monasteryo ng St. Clare sa Brgy. Bantauyan-Bantad, Boac, Marinduque. Ang paksa ng naturang pagdiriwang ay “Mabuting mga Katiwala: Sama-samang naglalakbay ng may pasasalamat sa Diyos sa dalawamput-limang taong biyaya at pagpapala.”

Ang unang banal na misa ay ginanap nitong Marso 14, Martes, 4:00 ng hapon at nakatoka sa Vikarya ng Monserat de Marinduque (Boac) na binubuo ng mga Parokya ng Immaculate Conception, Mahal na Birhen ng Biglang Awa, San Isidro Labrador, Sacred Heart, Mary Help of Christian at Our Lady of Peace and Good Voyage kasama ang mga tagabasa, akolito, salmista, choir at sakristan.

Nitong Marso 15 ang sumunod na pagdiriwang ng misa sa parehong oras na nakatalaga sa Vikarya ng San Bernardo de Marinduque (Gasan) kasama ang parokya ng St. Joseph Spouse of Mary, Holy Child Jesus, St. Raphael Archangel at Our Lady of Lourdes bilang tanda ng pagkilala sa mga tagapagtaguyod at tagapagtangkilik ng Monasterto ng Boac.

Ngayong Huwebes, Marso 16 4:00 ng hapon muling ipinagdiwang ang banal na misa hatid ng Vikarya ng San Juan de Marinduque (Santa Cruz) kasama ang Parokya ng Holy Cross, Our Lady of the Most Holy Rosary, St. Joseph the worker, St. Ignatius of Loyola at Our Lady of Guadalupe bisperas ng ika-25 pagkakatatag ng Monasteryo ng St. Clare ng Boac.

Nataon din ang ika-28 Sacerdotal at pangwalong Episcopal Ordination anniversary ni Bishop Junie, Most Rev. Marcelino Antonio Maralit noong Marso 13 at kaarawan ng Kura Paroko ng Parokya ng Sacred Heart si Fr. Jojie Mangui noong Marso 12 ang ikatlong linggo ng Kuwaresma. Habang sa Marso 17 ang misang pasasalamat sa Silvery Anniversary ng Monasteryo ng St. Calre sa ganap na 9:30 ng umaga at ipapalabas ang livestream sa Monastery of Sta. Clara | via Randy Nobleza, MN

Island Innovation Ambassadors take part of Sustainable Development in Islands Training Session

 

Past and present ambassadors provided some insights about environmental and sustainability challenges last March 9, 5pm in New York, 10pm London 9am Sydney or March 10, 6AM Philippine Standard time.

Stacey Alvarez de la Campa of Barbados facilitated the exchange between current and seasoned Island Innovation Ambassadors about Sustainable issues in the islands last week. Among the previous cohort of ambassadors, Zaidy Afrin from Fiji shared her ongoing advocacies about Sustainability Development Goals and circular economy. Chirag from India also echoed the concerns from a slight different perspective.

De La Campa started off with the concept of Sustainable Development which “calls for concerted efforts towards building an inclusive, sustainable and resilient future for people and planet.” Moreover, for sustainable development to be achieved, according to the Island Innovation Ambassador Coordinator, “it is crucial to harmonize three core elements: economic growth, social inclusion, and environmental protection.”

Based on Zaidy’s slides, there is a need to shift paradigms like tides of the islands: from reduction to emergence, from line to non-linear, separate to connected and from static to dynamic. She also asked newbie ambassadors about how local actions help achieve Sustainable Development goals through some templates.

One of the highlights of the training session is the “Systems Innovation Toolkit for Circular Economy.” This toolkit utilizes guides and canvasses. The guides explain the key concepts in an accessible fashion while canvasses support user in applying these ideas. What is paramount importance to islands is from simple innovative ideas can have the most impactful applications.

The ambassadors recently attended an info-session about Islands of Innovation online course from the European Union. The said course entails comparison of status quo and desired futures. Likewise it is intended to create a new or revised policy program and build innovation teams for areas, municipalities and even regions. | via Randy Nobleza/MN

Lalaki, nalunod sa dagat sa Santa Cruz

 

SANTA CRUZ, Marinduque — Isang lalaki ang iniulat na nasawi sa pagkalunod sa sa isla ng Mongpong nitong Biyernes, Marso 10.

Sa report ng Santa Cruz Municipal Police Station, dakong alas-4:30 ng hapon nang malunod sa karagatang sakop ng Sitio Malakondong, Bgy. Mongpong sa bayan ng Santa Cruz ang biktimang si Marc Angelo Misamis, 38 anyos, pest control technician at residente ng Laguna.

Ayon sa mga kaibigan ng biktima na kasama sa pagbabakasyon sa isla, habang sila'y nag-iinuman ay naglangoy si Misamis habang ito ay nasa impluwensya ng alak hanggang sa napansin nila na nahihirapan na ito sa paglalangoy.

Gayunman, agad itong sinubukang iligtas ng dalawang mangingisda sa isla at dinala ang lalaki sa baybayin upang lapatan ng first aid ngunit bigo ang mga itong maisalba ang buhay ng biktima. - Dave Escala, MN

NRCP charts the next normal with VUCAD2

 


MANILA -- The National Research Council of the Philippines (NRCP) capped the 90th General Membership Assembly and the 2023 Annual Scientific Conference  last March 10 and 11 at the Philippine International Convention Center. This year’s assembly and conference was graced by no less than the president of the republic Ferdinand Marcos Jr. with the theme Science and Governance: Shaping Policies Towards a VUCAD2 Future.

The NRCP President Dr. Cristine Villagonzalo provided the welcome and opening remarks. The keynote speech this year was given by Dr. Melody Burkins of the International Science Council and the Institute of Artic Studies Director from Dartmouth College. Her talk about Science and Governance interfaced with the thrusts and NRCP with shaping policies from Volatile Uncertain Complex Ambiguous Futures to Visionary Understanding Clear Agile Digital Diverse Futures.

The NRCP assembly and conference also had several parallel sessions on the following topics: international relations, intra-state conflict resolution and the Mindanao peace process, gender and inclusivity in science and governance, unprecedented climate change, greener economy, closing the digital divide and vaccine self-reliance.

The second day of the assembly and conference featured the accomplishments of NRCP during the past year and also charted the calendar of activities of the incumbent year. The two day NRCP event concluded with the oath-taking of newly elected members and new members of the governing board, chairperson, and member-at-large along with associate and regular members.

Based on the program, Dr. Renato Solidum of the Department of Science and Technology (DOST) secretary remarked, “Research has always been a critical backbone in the development of every country. To sustain our efforts in accelerating research and development (R&D) in the Philippines, we need to concentrate on establishing and strengthening extensive networks of individuals who can help address the demand for knowledge, skills, and innovations. The DOST-NRCP brings together researchers, academic leaders, scientists, industry leaders, and policymakers which makes the Council crucial to achieving socio-economic development.”

DOST Dr. Solidum and the NRCP Executive Director Dr. Bernardo Sepeda also graced the occasion with close to a thousand in-person and online participants. Dr. Sepeda said, “We’ve accomplished a lot in the past two days just as we have achieved so much in the past 90 years. However, we are not resting in our laurels. We will continue to bring researchers, scientists, artists, and other lovers of scientific inquiry together to promote and actively emphasize the value of basic research in uplifting the lives of the Filipino people and in realizing a better future than ours.” - | via Randy Nobleza/ MN





IBP Marinduque Chapter: Binansagang ‘hakot-awards’, ’runaway winner’



DAVAO CITY -- Humakot ng iba’t-ibang parangal at pagkilala ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) - Marinduque Chapter sa idinaos na 19th National Convention of Lawyers (IBP Golden Jubilee) noong February 16-18, 2023 sa SMX Convention Center, Davao City.

Ayon sa Pangulo ng IBP – Marinduque Chapter na si Atty. Ivy Rioflorido, isang malaking karangalan sa Marinduque na makatanggap sa unang pagkakataon ng prestihiyosong pagkilala mula sa samahan ng mga abogado sa Pilipinas. Dagdag pa niya, naging posible ang paghakot ng pagkilalang inani nila dahil sa serbisyo at husay na pinakita ng mga abogadong Marinduqueño.

Ilan sa mga natanggap na parangal ay ang mga sumusunod:
Most Outstanding Over-all Legal Aid Program Award
Best Chapter Award (Category C)
Best Practices Award for free legal service to the K5 Project
Governor’s Choice Most Outstanding Legal Aid Lawyer – Atty. Ivy M. Rioflorido
Most Outstanding Legal Aid Clerk for Category C – Ms. Ma. Zenaida Abetria
Plaque of Appreciation for Invaluable Service - Atty. Ivy M. Rioflorido
Certificate of Recognition - Atty. Ivy M. Rioflorido

Samantala, umakyat rin sa entablado si Marinduque Gov. Presbitero Velasco, Jr. para sa kanyang ‘Lifetime Achievement Award’, ito ay pagkilala sa kanyang pagsisilbi bilang National President ng IBP noong 1987.
 

Kamakailan ay ginawaran rin ng Excellence in Performance Award si Atty. Ivy M. Rioflorido sa kanyang exemplary performance bilang Presidente ng IBP - Marinduque Chapter ng IBP Southern Luzon Region na ginanap sa Bellevue Manila, Alabang Muntinlupa City. (DERE)

P20-M pondo sa sports at wellness program ng MSC, aprubado na ng CHED


BOAC, Marinduque -- Aprubado na ng Commission on Higher Education (CHED) ang pondo para sa sports and wellness program ng Marinduque State College (MSC).


Ayon kay Dr. Diosdado P. Zulueta, Pangulo ng MSC, inaprubahan na ng CHED en banc ang hiling na P20 milyong pondo para sa pagtatayo ng pasilidad pampalakasan na maaaring gamitin hindi lamang ng kanilang paaralan bagkus ay ng buong lalawigan.

Kabilang aniya sa mga proyektong itatayo ay ang state-of-the art track and field oval kasama na ang pagbili ng mga bagong sports equipment.

Dagdag pa ni Zulueta, hangad ng paaralan na makapaghubog ng mga manlalaro na wellness-minded, flexible at gender-responsive na inaasahang sa pagdaan ng panahon ay magiging pambato ng lalawigan sa regional, national at maging sa international sports competition.

Dahil dito ay inilunsad ng paaralan ang temang 'MSCs Sports and Wellness Program: Towards an Interactive, Dynamic, Enthusiastic, Aware and Literate (IDEAL) Community. -- Marinduquenews.com

Construction worker, patay sa aksidente sa motorsiklo

 



Construction worker, patay sa aksidente sa motorsiklo


GASAN, Marinduque -- Dead on arrival ang isang construction worker nang maaksidente ito sa Banuyo, Gasan nitong Sabado ng gabi.


Nakilala ang biktima na si Orlando Saez, 43-anyos at residente ng Bgy. Dawis, Gasan at wala itong lisensya ayon sa report ng pulisya.

Ayon pa sa PNP Gasan, nangyari ang aksidente dakong 11:00 ng gabi sa tulay ng Antipolo-Banuyo sa naturang bayan.

Mabilis umano ang pagpapaandar ng biktima na nasa impluwensiya ng alak habang binabagtas niya ang Antipolo - Banuyo National Road nang hindi na nito nakontrol ang minamaneho nitong motorsiklo at humampas sa 'concrete gutter' ng tulay sa lugar.

Posibleng matinding tama sa ulo ang natamo raw ng biktima, sanhi ng pagkamatay nito, ayon sa Gasan Municipal Police Station.

Isinugod pa sa ospital ng mga rumespondeng miyembro ng himpilan ng pulisya, mga tauhan ng BFP at mga opisyal ng barangay ng nasabing lugar ngunit sinabi ng attending physician na dead on arrival (DOA) ang nasabing drayber. (DERE)




 

2 babae patay nang masagasaan ng 2 sasakyan sa Sto. Tomas, Batangas

 


STO. TOMAS, Batangas -- Nasawi ang dalawang babae matapos na ang mga ito ay masagasaan ng dalawang sasakyan habang tumatawid sa Maharlika highway sa Brgy. San Miguel, Sto. Tomas City, Batangas nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Nerissa Pevidal Tan, 60 anyos at Genelyn Recaña Peñaroyo, 51 anyos, parehong taga Sta. Cruz, Marinduque.

Batay sa report ng Sto Tomas police, pasado ala 1:00 ng madaling araw, tumatawid ang dalawa sa highway nang masagasaan at makaladkad ang mga ito ng Hyundai van na minamaneho ng 29-anyos na si Noli Rojero.

Nasagasaan pang muli ang mga ito ng isang Toyota Hilux pick-up na minamaneho naman ni Richard Perol .

Isinugod ang dalawa sa magkahiwalay na ospital sa Tanauan City at Sto Tomas City subalit parehong idineklarang dead on arrival ng doktor.

Ayon sa imbestigador ng kaso, galing sa kanilang mga kaanak sa Cavite ang mga biktima lulan ng van at tumigil lang ang mga ito sa lugar para kumain.

Patawid sana sa kabilang bahagi ng highway ang dalawa para mag CR nang masagasaan ang mga ito.

Pansamantalang kinustodiya ng Sto Tomas City Police ang dalawang nakasagasang driver habang patuloy pa ang imbetigasyon. (RD)






2 mangingisda, patay matapos tamaan ng kidlat habang nasa laot; 1, nakaligtas

 

 
BOAC, Marinduque -- Idineklarang dead on arrival ang dalawang mangingisda matapos itong tamaan ng kidlat kaninang alas-7:33 ng umaga sa karagatang sakop ng Bgy. Bunganay, Boac, Marinduque.

Kinilala ang mga biktima na sina John Lee Mark Yap Vito, 41, may kalive-in partner at Benrey Moncada, 52, kasal na kapwa mga residente rin ng nasabing barangay.

Ayon sa report ng PNP, napag-alamang pauwi na galing sa pangingisda ang mga biktima kasama ang isa pang nakaligtas na mangingisda na kinilalang si Roylan Lanot na residente rin ng nasabing barangay nang tamaan ng kidlat ang dalawang nasawi.

Agad nilapitan ng iba pang mangingisda ang bangka ng mga biktima at sinubukan pang isalba ang buhay ng mga ito sa pamamagitan ng paglalapat ng pangunang lunas ngunit ‘dead-on-arrival’ na nang ito ay madala sa Marinduque Provincial Hospital.

Samantala, naiuwi na sa kani-kanilang pamilya ang katawan ng mga 2 biktima habang nagpapagaling pa ang isang kasama nitong nakaligtas. DERE

Apat na tsuper ng dyip, nakatanggap ng livelihood assistance mula sa DOLE

 

BOAC, Marinduque -- Nagkakahalaga ng P120,000.00 ng livelihood assistance ang naibigay ng Department of Labor and Employment - MIMAROPA sa apat na benepisyaryo nito sa Brgy. Tabi, Boac, Marinduque. Ito ay sa pamamagitan ng Marinduque Field Office nito, sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Bilang bahagi ng Entrepreneurship Project ng DOLE, apat na jeepney driver mula sa munisipalidad ng Boac ang napili para makatanggap ng mga sumusunod na tulong pangkabuhayan: G. Arnold Jalotjot mula sa Brgy. Agumaymayan at G. Daniel Laurence Magcamit mula sa Brgy. Si Sawi ay parehong nakatanggap ng rice retailing project na nagkakahalaga ng Php30,000.00 bawat isa, si G. Merson Miao mula sa Poctoy ay nakatanggap ng frozen food products retail starter kit na nagkakahalaga ng Php30,000.00, at si G. Ernie Magcamit ay nakatanggap ng Php30,00.00 na halaga ng feeds retailing starter kit.

Ang mga napiling benepisyaryo ay kinilala at ni-refer sa departamento ng LTFRB at kinilala bilang mga indibidwal na lubhang naapektuhan ng pandemyang COVID-19. (DERE)